OBJECTION MASTERY

Napaka importante na masagot mo ang Objection nang Kausap mo dahil dun mo malalaman ang biggest WHY nya at pag nasagot mo nang Tama mapapakita mo sa kanya na Proffesional ka at marunong ka talaga sa ginagawa mo mas tataas ang tiwala nya sayo at tatass ang chance na mag join sayo
Kaya namin ginawa itong training na ito para hasain ang skills nang bawat isang Leader pag dating sa Pag Handle nang Objection nang tama. Kasi pag alam mo na kung panu gawin ang isang bagay mas lalong taas ang Confidence Level mo at isa ito sa pinaka importante sa negosyo natin
This is not a REAL objection. Kaylangan mong gawin ay alamin kung ano yung tunay na objection ng prospect mo. at dapat lagi mong tandaan ang mga ito.
Prospect: Alam ko na yan.

Ikaw: Anong ibig mong sabihin na “Alam ko na yan?”
OR
Ikaw: Pwede mo bang sabihin kung ano yung nalalaman mo na?
Prospect: Networking yan ‘di ba?
Ikaw: Anong ibig mong sabihin sa Networking?
Ngayon ang next na gagawin mo ay sagutin kung ano talaga yung objection nila.
Ikaw: That’s a good question. Bakit mo pala naitanong yan?
Prospect: Gusto kong maaman kung hindi ba ‘ko mapapahiya kung iaalok ko ito sa mga kakilala ko.
Ikaw: OK dito sa company dahil araw-araw may mga pumupuntang repeat customers para umorder ulit ng products. (Ipakita ang picture nang punong puno ang tao sa office)

Tanungin kita, Tingin mo paulit-ulit bang bibili yung mga repeat customers kung hindi effective yung produkto? Ano sa tingin mo?
Prospect: OK, mukang effective nga.
Ikaw: May mga gusto akong ipakita sa’yo na mga real life testimonies mula sa mga happy customers at product users…. Blah blah blah…

(Show your prospect real life testimonies of our products)
Ikaw: Pero sa tingin mo, mas OK ba kung ikaw mismo ang makakapagpatunay sa sarili mo na effective ‘tong product namin?
Prospect: “Tama ka, mas OK yun.”
Ikaw: Good, eto yung mga investment package na pwede mong kunin.
Hindi mo lang nasagot yung objection ng prospect mo, na-close mo pa s’ya sa pagbili ng products natin.
The best way to answer this is to tie up your results or leverage someone in your company’s results.
Prospect: “Ang mahal ng investment / pay-in?”
Ikaw: “I understand and I’m sure may dahilan kung bakit mo nasasabi na mahal yung P7980. Ano yung dahilan mo?”
Prospect: Ah kasi may blah, blah blah.
Ikaw: Ok naiintindihan kita. Sa totoo lang ganyan din yung akala ko bago ako sumali dito. Pero….
(Kung may result ka na ito sabihin mo…)
Ikaw: Share ko lang sa’yo tong istorya ko. Nuong sumali ako dito, nag-invest din ako ng P7980, Ngayon kumikita na ako ng _______

Tatanungin kita, Tingin mo “possible” ba na mas malaki yung babalik sa’yo kumpara sa ilalabas mo kung magjo-join ka dito sa Alliance In Motion Global?
(Kung bago ka palang o wala ka pang kinikita, share mo yung story ng isa sa mga successful distributor sa company n’yo…)
Ikaw: Share ko sa’yo yung story ni ________, Dati nuong nagsimula s’ya sa business na ‘to ay nag-invest din s’ya ng P7980. Ngayon kumita na ‘tong tao na ‘to ng ________

Tatanungin kita, Sa tingin mo ay “possible” ba na doble-doble pa yung babalik sa’yo kumpara sa ilalabas mo kung magjo-join ka dito at kung gagawin mo ang business na’to?
NOTE:

This is a powerful answer, una dahil nakikisimpatya ka muna sa kanya.
Pangalawa, pinaintindi mo na sa kanya na mas malaki pa yung POSIBLE na bumalik sa kanya kung gagawin n’ya yung negosyo. Take note, tinatanong mo ang prospect mo kung POSIBLE ba. Hindi mo sinabi na guaranteed. Pero subconsciously sinabi mo sa kanya na sobrang sulit ang business na ino-offer mo sa kanya.

Madalas mo itong matatanggap lalo at nasa Product Movement Business tayu o pagbebenta benta talaga nang mga produkto.
Prospect: Hindi ako mahilig magbenta eh.
Ikaw: That’s GREAT, Parehas tayo. Hindi din kasi ako mahilig magbenta. Dito kasi sa business na ‘to kikita tayo by Recommending. Marketing and Promoting. Hindi natin kaylangan mangumbinse ng tao.
(NOTE:Most people may maling thinking about selling, ang akala nila porke may ibebenta ka ay kaylangan mo ng mamilit ng tao para bumili)
Ikaw: May tanong ako, nagustuhan mo ba yun opportunity / business na nakita mo? OO or hindi?
Prospect: Oo. Nagustuhan ko.
Ikaw: Good, kasi kung sinabi mong hindi mo nagustuhan, ngayon na ngayon din tapos na yung pag-uusap natin. Kaya tayo ngayon nag-uusap dahil nagustuhan mo yung opportunity na ‘to.

Napakaraming tao na katulad natin na naghahanap ng ganitong klaseng opportunity. Ang kaylangan lang natin gawin ay hanapin kung sino yung mga yun. Hindi natin kaylangan magbenta o mangumbinsi ng mga ayaw. Ok ba yun sa’yo?
Prospect: Oo, OK sa’kin.
Eto yung isa sa pinakamadalas na itanong ng mga prospect. Yung mga baguhan pa lang sa MLM kinakabahan sa tanong na’to. Pero sa totoo lang ay hindi naman talaga ito objection. Kaya hindi mo kaylangang kabahan kapag may nagtanong sa’yo nito.
Simpleng question lang ‘to na madalas lang talaga maitanong.
Ang paraan para sagutin ang objection na ‘to ay simple lang din. Just tell them the truth. Kung mag-iisang taon ka na, sabihin mong mag-iisang taon ka na. Kung bago ka pa lang. sabihin mo na bago ka pa lang.
Kahit bago ka pa lang o kahit kakasali mo pa lang sa company natin. Hindi yun konektado at hindi yun makakaapekto sa opportunity na binibigay mo sa prospect mo.
Kaylangan na malaman n’ya na hindi n’ya gagawin ang business natin ng mag-isa dahil may mga taong makakatulong sa kanya para i-build ang business n’ya at may mga taong makakapagturo sa kanya kung paano n’ya gagawin ang business natin ng tama.
Pero siguraduhin mo na ipakilala mo ang prospect sa mga uplines mo na medyo matagal na sa business natin. Importante din na malaman ng prospect mo na magiging part s’ya ng isang team.

Wala ng mas lulupit pa sa objection / question na ‘to. Ito yung kapag baguhan ka pa lang tapos tinanong sa’yo ay talaga naman mauutal ka, pagpapawisan at kakabahan.
Pwede ang pumasok sa isip mo nung tinanong sayo ‘to ay “Naku baka hindi ko mapasali ‘to kasi hindi pa ‘ko kumikita” or “Naku baka hindi ko mapasali ‘to kasi maliit palang kinikita ko”.
Ito yung kaylangan mong maiintindihan… Most people kapag tinanong nila ang objection na ‘to, ay hindi naman talaga nila gustong malaman kung magkano yung eksaktong kinikita mo.
- Baka masayang ang pera nila kapag nag-invest sila
Dahil ang talagang gusto nilang malaman ay kung… - Totoo ba ang opportunity natin -
Totoo ba na may mga kumikita sa company natin
May mga ilang sagot sa objection na ‘to pero sa lahat ng nasubukan ng karamihan, ito yung pinaka-effective at nakakatuwa…
Sa madaling salita gusto nila ng pruweba or ng social proof kung may mga kumikita ba talaga sa opportunity natin.
Prospect: “Magkano na bang kinita mo dyan”
Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado ka?
Or
Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado kang tingnan maige ang opportunity na to?
Or 
Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para ma-impress ka?
Wag mong kalimutan ilagay yung smiley kapag sa chat para hindi magmukang maangas. Kapag kausap mo yung prospect ng face to face ikaw ang mag smiley face
Napaka-effective nitong sagot na ‘to, mamaya mamamalam mo kung bakit pero sa una medyo kaylangan ng kaunting lakas ng loob kung gagamitin mo ang sagot na ‘to. Medyo kaylangan ng posture
Pero wag kang mag-alala dahil masasanay ka din kapag ginamit mo na ‘to ng ilang beses
Kapag tinanong mo sa prospect ang tanong na ‘to, magbibigay s’ya ng figure sa’yo. Hindi mahalaga kung hindi mo pa kinita o kinikita yung amount na sasabihin ng prospect mo.
Kaylangan lang ay may alam kang success stories from your company. Gagamitin at ikukwento mo kasi yung success story nay un sa prospect mo.
Parang ganito ang magiging flow ng pag-uusap n’yo…
Prospect: Magkano na ba’ng kinita mo dyan?
Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado kang tignan maige ‘tong business na ‘to?
Prospect: P30,000
Kung kinita mo na yung sinabi nyang figures sa’yo, sabihin mo lang “Great!, Yan na ang kinikita/kinita ko dito, gusto mo bang ITURO ko sa’yo kung ano ang ginawa ko para kitain yung ganung income?”
Kung hindi mo pa kinikita yung sinabi n’yang figures, ito ang isagot mo.
Ikaw: “Well, basically kakasimula ko pa lang sa business na ‘to kaya hindi ko pa nari-reach yung ganyan level ng income. Pero let me tell you about _______ , na kumikita nang ganyan dito sa company na ‘to. Gusto mo bang malaman kung ano yung ginawa n’ya para kitain yung ganung income?
Kwento mo yung maikling storya ng taong binanggit mo. Then, tell your prospect this… Ikaw: Kung willing ka ding aralin at gawin yung ginawa n’ya possible din na kitain mo yung income na kinita n’ya. Willing ka bang matutunan at gawin yung ginawa n’ya?
Prospect: Oo
Ikaw: Ok good, ito yung unang gagawin mo para makapag simula… (Sponsor him/her in our business)
NOTE:

Sinabi mo dito sa last line na ito ay “Posible din na kitain”, ibig sabihin hindi ka nag ga-guarantee na kikita sya ng the same amount. Magdedepende pa din kasi sa aksyon n’ya ang magiging resulta n’ya
Magandang idea din kung ipapakilala mo s’ya sa mga higher uplines ng team natin na may mga resulta na. Ito ay para mas tumibay yung social proof.

Kapag sinabi ng prospect na hindi sila interesado, simply respect their decision and just thank them for their time. “Kris, salamat sa pagiging honest. At least nabigyan mo agad ako ng idea na hindi ikaw ang taong aking hinahanap para sa aming opportunity. Thank you for your time and God bless.“ (huwag mong kalimutan ngumiti, please wag namang sarcastic na ngiti. 
Pagkatapos move on to your next prospect na kaagad. SW3 remember? (Some will join, Some won’t So what, NEXT!) Hindi mo kaylangan na mag-aksaya ng napaka-valuable mong oras sa taong hindi interesado sa ginagawa mo.
At tandaan mo, kung nagagawa mong ipre-qualify ng mabuti ang mga prospect mo, NEVER ka ng makakadinig ng ganitong klaseng mga objections.

Hindi porke hindi s’ya nagging successful dati, ibig sabihin ay hindi na s’ya magiging successful kahit kaylan. Ito yung pwede mong sabihin para ma-realize n’ya iyon…
Ikaw: Tingin mo, Ano yung dahilan bakit hindi ka naging successful DATI? (Emphasize the word dati)
Madalas na isasagot ng prospect mo ay tulad ng mga… Pinabayaan kasi ‘ko ng upline ko, hindi ko kasi nabigyan ng sapat na oras, nagsara kasi kaagad yung company naming, etc
Ito yung pwede mong sunod na sabihin sa kanya..
Ikaw: Thank you sa pag-share mo ng mga experiences mo. Tatanungin kita, masasabi mo ba sa sarili mo na coachable ka? Masasabi mo ba sa sarili mo na willing kang aralin at gawin yung mga ituturo namin sa’yo para magkaron ng resulta sa business na ‘to?
Prospect: Oo willing ako.
Ikaw: Kung magsisimula ka ulit ditto sa AIM Global, ano sa tingin mo yung kaylangan mong gawin para hindi ka na ulit mag-failed?
Listen carefully sa isasagot n’ya. Dun sa sagot n’ya mo matatantsa yung willingness nyang matuto at maging successful.
Make sure din na maipakita mo sa prospect mo yung ganda nang sitema natin at ipaalam mo din sa kanya kung paano ang sistema natin para masuportahan ng mga ka-team natin, lalo na yung mga bago.

Answer #1:
Prospect: Hindi ko linya yan.
Ikaw: That’s GREAT! Parehas pala ta’yo. Hindi ko din linya ‘to. Alam mo bang yung mga pinaka-successful na mga distributor dito ay hindi din nila linya ‘tong business na ‘to?
Si Leo Caduyac ay dating Tricycle Driver. Hindi n’ya linya ‘to pero naging successful s’ya dahil inaral at ginawa n’ya yung negosyo at ngayun kumikita na sya nang 500K per month!
Si Wilfredo Laway Grade 1 lang natapos at magbebenta lang nang

tuyo hindi nya linya ito. Pero inaral nya at ginawa ngayon kumikita nang over 150K per month!
Si Joseph Lim ay dating Computer Engineer. Hindi nya din linya ito pero naging successful din sya dahil inaral at ginawa nya din, in fact sya ang Top 1 nang AIM Global at kumikita sya nang over 3 Million per month.
Ngayon tatanungin kita, masasabi mo bang coachable ka? Masasabi mo bang willing kang pakinggan yung mga ituturo namin sayo at willing ka bang gawin yung mga ipapagawa namin sa’yo para (Their Reason Why)
(Kapag humirit padin yung prospect mo at sinabi n’ya na “Kaylangan ko munang pag-isipan”, We suggest you just disqualified him/her and move to your next prospect. O kaya naman pwede mong sabihin ‘to…)
Ikaw: Alam mo, tama ka. Pag-isipan mo munang maige at ng mabuti ‘to. Kasi ayaw ko din na mag-invest ng oras sa’yo na turuan ka tapos hindi ka naman pala desidido na gawin yung business. Ito yung contact number ko or FB account ko, kontakin mo ‘ko kapag nakapag-isip ka nang mabuti.
Answer #2:
Pwedeng sinasabi din ng prospect ‘to dahil may iba s’yang objection. For example, pwedeng sinsasabi ng prospect na hindi ko linya yan pero ang ibig pala n’yang sabihin ay “hindi ako mahilig magbenta”
Prospect: Hindi ko linya yan
Ikaw: Curious lang ako, Ano yung hindi mo linya? Yung kumita ng extra income, maabot yung mga pangarap mo o yung makatulong sa ibang tao?
Pagkasabi mo nito, ibibigay n’ya sa’yo yung tunay na objection at concern n’ya, tulad ng: “Hindi ako mahilig magbenta, etc. Your goal is to handle the REAL objection of your prospect.

This objection ay kadalasang manggagaling sa mga prospects mo na meron ng background sa Nertwork Marketing o kaya naman ay sa mga may background na sa pagiging entrepreneur. All you need to do is to just show/explain them your compensation plan.
And don’t just show them all the good side of our marketing plan, Also present them the advantage and disadvantage. Just be transparent. Aminin natin na wala naman talagang sobrang perfect na marketing plan pero ang maganda, hybrid ang satin, na wala sa kahit anung company.
Kapag ginawa mo yun, Your prospect will respect you and trust you more dahil you are showimg them that you are concern at ayaw mong magkaroon sila ng maling decision
Kung bago ka pa lang at kung hindi mo pa kabisado yung marketing plan natin, pwede mo ipapanood yung mga link natin sa youtube. Or ask you direct sponsor or upline for help. Do not try to explain anything until you can explain everything. Pero syempre, pinaka the best padin kung talagang mapa-attend mo s’ya sa isang live business presentation seminar.
(please, if one month and more ka na sa AIM Global its a must na kaya mo i explain kahit ung benefits at kitaan.. hindi pwedeng laging si upline at panood lang ng video. Make sure na kaya mo mag present ng actual sa prospect mo.)

Madalas ang mga prospect na nagtatanong ng ganitong objection ay yung mga tipo ng prospect na walang bilib sa sarili nila na magagawa nila yung business. Ang kaylangan mong gawin ay ipaaalam sa kanila na hindi nila gagawin ng mag-isa yung business.
Dahil may mga tao na magtuturo at aalalay sa kanila sa pag-build ng kanilang negosyo.
Prospect: Paano kung wala akong ma-invite? Ikaw: Curious lang, bakit mo naitanong yan?
Prospect: Baka kasi pagsali ko wala akong ma-invite.
Ikaw: Tanungin kita, masasabi mo bang coachable ka? Masasabi mo bang willing kang pakinggan yung mga ituturo namin sayo at willing ka bang gawin yung mga ipapagawa namin sa’yo para (Their Reason Why)
OR
Ikaw: Tanungin kita, masasabi mo bang coachable ka? Masasabi mo bang willing kang pakinggan yung mga ituturo namin sayo at willing ka bang gawin yung mga ipapagawa namin sa’yo para maging successful ka sa business na ito?
Prospect: Oo, willing ako Ikaw: Ok great, may iba ka pa bang concern bago ka magsimula?
Prospect: Wala na.
Ikaw: Great!! Welcome to our Team. Let me guide you kung paano ka makakapagsimula sa business natin.
Kadalasan yung mga prospects na nagbibigay ng mga ganitong objection ay mga taong may wrong impression sa Network Marketing. Maaring may mga maling information sila na nadinig sa mga kakilala nila o kaya naman ay dahil sa maling publicity ng media. Ang kaylangan mong gawin ay i-educate sila kung ano ba talaga ang Network Marketing at kung ano ba ang benefits ng industry na ito para sa kanila.
Prospect: Networking ba ‘to?
Ikaw: Great question, pwede mo bang sabihin kung ano yung unang pumapasok sa isipan mo kapag sinabing Networking?
Prospect: Yung mga scam. Ikaw: Gusto mu bang sumali sa mga scams? Prospect: Syempre hindi.
Ikaw: Pwede ko bang i-share sayo kung bakit yung iba ay scam ang tingin sa mga Network Marketing Opportunity?
Prospect: Sige
Ikaw: Sige ipaliwanag ko sayo ng maige. Gagawin kong example ay ang mga pulis. Lahat ba ng mga pulis ay matino at tapat sa tungkulin?
Prospect: Hindi
Ikaw: Tama ka, may mga ilan na may maling gawain, pero di natin maiwasan na kung minsan, porke’t may mga tiwaling pulis ang tingin na ng karamihan ay masama na sa buong kapulisan, tama ba?
Prospect: Oo, tama. Ikaw: Ganun din sa gobyerno, di naman lahat ay corrupt pero ang tingin ng marami kapag may posisyon ay corrupt na kaagad. Tama ba?
Ikaw: Ganun din dito sa network marketing industry (PROSPECT FIRST NAME), may mga ilan din na talagang mga scams na nagtetake advantage sa mga tao, pero hindi lahat dahil meron talagang mga legal na opportunity kung saan pwede ka talagang kumita.
Pero ang nangyayari, pati yung mga legal ay napapagkamalan na scams dahil nga sa mga maling Gawain at pagsasamantala ng ibang tao
Prospect: Oo, tama ka dyan.
May gusto akong ipakita sayo na mga katibayan para makita mo na legitimate ang program at opportunity na ‘to. Ok ba sa’yo yun?
Or
Gusto mo bang ituro ko sa’yo kung paano mo malalaman na legitimate ang isang network marketing company/ opportunity?

Prospect: Sige ok sakin yun.

Ahh, Isa sa mga paborito ko. At ang best answer dito ay…
“YES! This is a Pyramid! And Welcome To Egypt! Tara papakilala kita sa mga kasamahan kong Egyptian”. LOL
Joke lang, relax, don’t panic 
Pyramiding objection is sobrang common na maririnig mo sa ‘yong network marketing career kung nagsisimula ka pa lang.
Pero magtanong ka sa mga top leaders at top earners kung nakakatanggap pa ba sila ng ganitong objection at ang isasagot nila sa’yo ay Hindi na, Dati, o kaya naman ay Bihira.
Bakit ganun? Una ay dahil alam nila kung paano mag-control ng conversation.
Kapag ang isang prospect kasi ay naramdaman na mahina ang confidence mo, dun ka nila babanatan ng mga ganitong klaseng tanong o objection.
Pangawala ay dahil meron na silang mataas na level of confidence at posture kapag nakikipag-usap sa mga prospect.  
They will also setup their own marketing strategy para ang maa-attract lang nila ay yung mga high quality at mga right kinds of prospects. Yung mga tipong naghahanap talaga ng opportunity at yung mga gusto talagang magkaoon ng additional na pagkakakitaan.
Pangatlo reason ay dahil ang mga leaders ay bihirang makikipag-usap sa mga uneducated prospects. Sasalain nilang mabuti yung mga prospects nila. Sino-sort out kaagad nila yung mga sceptical.
Pero wag kang mag-alala dahil darating din yung time na hindi ka na din makakarinig ng ganitong klaseng objections, kapag na-develop mo na yung posture at confidence mo.
Confidence and posture will only come through education and experience.
Bihira silang makikipag-usap sa mga tipo ng mga prospect na walang pang invest, negative, tamad, etc. Ito kasi yung mga tipo ng mga tao na madalas magtanong ng questions na tulad ng “Pyramid ba ‘to?”
Pwede din naman na meron s’yang bad experience sa mga scams. Maganda din na malaman mo kung ano ang dahilan bakit n’ya tinanong yung ganung klase ng objection.
Kung bago ka pa lang, Maganda na alam na alam mo kung paano iha-handle ang objection na ‘to. Madalas na ang mga prospects na nagbabato ng ganitong klaseng objection ay yung mga hindi educated about sa pagkakaiba ng legitimate MLM opportunity sa scams. At karamihan walang kahit anong idea sa ibig sabihin ng
Pyramiding.
Here are some examples kung paano mo iha-handle ang Pyramiding Objection.
Answer #1
Ikaw: Yung mag-invest ka lang ng pera tapos wala kang makukuhang produkto, basta sabi nila kikita yung pera mo?
Maraming paraan para sagutin yung bjection na ‘to. Pero itong una ay ang nakakatuwang paraan para sagutin ang nakakatawang Objection na ‘to. Have fun Answering Objections at unti-unti mong i-build ang self-confidence . Darating din yung time na hindi mo na madidinig ang objection na ‘to.
Prospect: Pyramiding ba to?
Ikaw: Anong ibig mong sabihin? Yung mga illegal?
Prospect: Oo
Ikaw: Yun tipong nangangako na mag-invest ka lang tapos do-doble na ang pera mo kahit wala kang gawin?
Prospect: Oo
Prospect: Oo
Ikaw: Ganun ba ang hinahanap mo?
Prospect: Wala naman, May nakita lang ako sa TV na parang ganyan
Prospect: Hindi
Ikaw: OK, That’s Good dahil kabaligtaran ito nun.
Teach him/her kung ano yung pinagkaiba ng mga pyramiding scams sa mga legitimate network marketing opportunities. Pero parang halos sinabi mo na din sa kanya ang mga yun
1. Una dahil hindi ka nangangako na siguradong kikita sila kahit wala silang gawin 2. Pinaalam mo na may kapalit yung investment nila at may makukuha silang produkto
Ikaw: Magandang tanong yan. Pwede mo bang sabihin kung ano yung unang pumasok sa isip mo kapag nadinig mo yung salitang Pyramiding?
3. Nilinaw mo na para kumita sila ay kaylangan may gawin sila. Answer #2:
Prospect: Pyramiding ba ‘to?
Prospect: Yung mga scams
For example ay yung Scam o Pyramiding objection. Madalas ang dahilan kung bakit itinatanong ito ay dahil natatakot sila at ayaw nilang maloko o mabiktima ng mga scams.
Ang kaylangan mo munang gawin ay makisimpatya sa concern ng prospect mo.
Ikaw: Tama ka dyan ang mga Pyramiding ay mga scams, May bad experience ka ba sa mga scams?
Ikaw: Scam ba ang hinahanap mo?
Prospect: Hindi
Ikaw: That’s good kasi hindi scam ito. Gusto mo bang ituro ko sa’yo kung ano ang pinagkakaiba ng legitimate na mga business opportunity sa mga pyramiding scams?
Prospect: Ok
Note: I’m assuming na inaral at alam mo din maigi kung ano yung difference ng legal MLM sa mga pyramids. Educate mo lang yung prospect mo sa pagkakaiba ng dalawa. Ipakita mo sa well knowledgeable ka about sa topic
Answer #3:
Isa pang napaka-effective na paraan para i-handle ang objection ay sa pamamagitan ng pagkwento ng isang istorya na makakasimpatya sa prospect mo o kaya naman ay kwento na makaka-relate ang prospect mo
Kwento:
Ikaw: I understand you (PROSPECT NAME). Sa totoo lang nuong unang pinakita sakin ‘tong business na ‘to ay ganyan din yung inisip at akala ko. Akala ko scam ito. Ang dami ko din kasing nadidinig sa mga balita na madami nga daw ang sumusulpot na mga scam.
Natutunan ko na meron pala talagang mga scams pero meron din pala talagang mga legal at totoong business opportunity.
(Nakikisimpatya ka muna para may in common kayo)
Pero na-realize ko na wala naman palang mawawala kung titingnan at aaralin kong mabuti kung totoo ba ito. Malay ko ba kung totoo.
Kaya ang ginawa ko… inaral kong maige kung scam ba yung business na ‘to o hindi. Buti na lang inaral ko dahil kung hindi, hindi sana ako kumikita ngayon.
Analogy:
Ikaw: I understand you PROSPECT NAME. Sa totoo lang nuong unang pinakita sakin ‘tong business na ‘to ay ganyan din yung inisip at akala ko. Akala ko scam ito. Ang dami ko din kasing nadidinig sa mga balita na madami nga daw ang sumusulpot na mga scams.
Pero na-realize ko na wala naman palang mawawala kung titingnan at aaralin kong mabuti kung totoo ba ito. Malay ko ba kung totoo.
Kaya ang ginawa ko… inaral kong maige kung scam ba yung business na ‘to o hindi.
Dati ay madalas din makatanggap nang objection na ‘to ang mga top earners pero hindi na ngayon. Natutunan kasi nila magkaroon ng confidence kapag may kinakausap silang prospect. Kaya dapat mag ka confidence ka din habang kinakausap mo na ang prospect mo.
Na-realize ko din na may mga scams naman talaga kahit anong industriya pa. may scammer na travel agency, may scammer na booker, may scammer na employment agency, may scammer na abogado, may scammer na doctor, may scammer na religion, etc.
Sa mga Pulis may mga tiwali pero may mga tapat. Sa Gobyerno may tapat at may mga kurakot.
Remember, madalas na itatanong ng isang prospect ang objection na ‘to kung hindi nya nakikita yung confidence sa’yo habang ine-explain mo yung negosyo mo o habang kinakausap mo s’ya.
Ganun din dito sa Network Marketing may mga scams pero merong Ding mga legal at totoo. Gusto mo bang ituro ko sa’yo kung paano mo malalaman kung legal at totoo ang isang business opportunity?
NOTE:  
Darating ka din sa point na ganun. Pero kaylangan mo muna ng paulit-ulit na practice.
Ang Mindset kasi dapat at kahit ano pang itanong ng prospect, you’re going to answer it with all honesty at integrity. Dahil ang goal mo ay hindi para ma-convince s’ya, kung hindi para matulungan s’ya na magkaron ng tamang desisyon para sa sarili nya,
Isa sa pinaka madalas na tinatanong sa amin ay kung paano daw ang isasagot sa mga prospect na nag OO na pero gusto nila next week, next month o sa kung anong petsa na naisip nila sumali
Kapag nakatanggap ka ng ganun ito yung sabihin mo sa kanya…
Prospect: Ok nagustuhan ko, pero next month na ha.
Ikaw: Ok lang naman yan, walang problema. Pero tatanungin kita, what’s the difference kung magsisimula ka na ngayon kumpara (date na nabanggit)? Bakit mo pa gugustuhin na i-delay ang pagsali mo kung ngayon pa lang ay pwede mo nang simulang ma-experience yung mga benefits na makukuha mo mula sa opportunity na ‘to. Ano yung pumipigil sa’yo para makagawa ng aksyon ngayon?
(And wait for their answer)

Sabi ng kaibigan / kakilala ko hindi daw totoo yung ganyan
Prospect: Sabi ng kaibigan ko hindi daw totoo yung ganyan.
(This will make your prospect pay attention sa mga sasabihin mo)
Ikaw: OK lang ba kung tanungin kita ng seryosong tanong? 
Prospect: OK lang. 
Ikaw: Businessman ba yang kaibigan mo?
Prospect: Hindi
Prospect: Hindi
Ikaw: May any background ba s’ya sa kahit anong negosyo?
Ikaw: May maituturo ba s’ya sayong ibang paraan para kumita ka ng _______?
Prospect: Wala
Prospect: Hindi
Ikaw: Gusto mo ba talagang making sa advice ng kaibigan mo?

Ang kulit nitong objection na ‘to. Ikaw na ang nag-offer ng magandang opportunity uutangan ka pa. hehehe! Minsan may malupit pa na banat yung mga prospect, ganito yung sabi… “Kung talagang gusto mo ‘kong tulungan, Papautangin mo muna ‘ko”.
Nyayyy! Ang lupet’ di ba?
Ganito sabihin mo…
Ikaw: Willing ka ba talagang mangutang para makapagsimula sa business na ‘to
Prospect: Oo
Ikaw: Ano yung magandang dahilan bakit kita papautangin?
Prospect: Ay syempre dahil ganito, ganyan, ganire,
Ikaw: Maipapangako mo bang ibabalik mo yung hihiramin mo kapag may pera ka na?
Prospect: Oo promise.
Ikaw: OK, matutulungan kita kung paano ka magkakaron ng pera, pero di kita papautangin. Ganito gawin mo, kuha ka ng papel at ballpen
(Or bigyan mo s’ya ng papel at ballpen)
Ikaw: Isulat mo sa papel ito ₱8000/16 anong sagot?
(Ipasulat mo sa kanya yung presyo ng pay-in natin at i-divide sa 16)
Prospect: P500
Prospect: Ok na.
Ikaw: Ok, good. Ngayon magsulat ka d’yan sa papel ng 1 up to 16
Ikaw: Isulat mo dyan yung mga pangalan ng mga pinaka malapit mong kaibigan, kamag-anak at kakilala.
Prospect: Ok na.
Ikaw: Ok great, ‘di ba kanina sabi mo na willing kang manghiram para makapagsimula ka sa business na ‘to at para (Their Why). At sinabi mo din na mapapangako mo na maibabalik mo yung hiniram mo once na magkapera ka na.
Ngayon kung talagang gusto mong makapagsimula sa business na ‘to, ganito ang gawin mo, lapitan at kausapin mo yang mga tao na sinulat mo d’yan sa papel na yan. Sa 16 mong kaibigan na yan ka manghihiram ng tig P500
Sabihin mo sa kanila yung dahilan na sinabi mo sa ‘kin kanina kung bakit kita papautangin ng pera. Sabihin mo din sa kanila yung sinabi mo sa ‘kin na maipapangako mo na ibabalik mo yung hiniram mo kapag nagkapera ka na.
Tapos kontakin mo ko kapag OK na para maituro ko sa’yo yung mga gagawin mo para makapagsimula.
NOTE:
Kung talagang seryoso sila, gagawin nila ang pinagawa mo, kung hindi, hindi nila gagawin. Kaya wag kang mage-expect.

Isa pa ‘tong objection na ‘to sa mga madalas na gawing palusot ng mga prospects. This is how I answer this objection. Pero I will tell you na sobrang bihira na makatanggap ang mga top eaners nang ganitong klaseng objection dahil sa mga ginagawa nilang sorting process.
Prospect: Ipapaalam ko muna sa asawa ‘ko.
Ikaw: Ok (Prospect’s Name), Walang problema. Pwede mong gawin yan. Pero tatanungin muna kita, seryoso ka ba kanina noong sinabi mo na (Their Why)
Prospect: Oo naman. Seryoso ako. Ikaw:Sabihin natin na pumayag ang asawa mo, anong gagawin mo?
Prospect: Sasali ako sa business na ‘to
Ikaw: Paano kung hindi s’ya pumayag ibig bang sabihin hindi ka na seryoso sa (Their Why)?
Look (Prospect’s Name), Willing ako na tulungan ka sa business na ito pero ang hinahanap ko lang ay yung mga seryosong tao. Yung mga tao na seryoso talaga na mabago ang sitwasyon nila sa tulong ng opportunity na ‘to. I will give you until tomorrow para kontakin ako, dun natin malalaman kung para ba talaga sa’yo ang opportunity na ‘to.
NOTE:
This is a very postured answer, Kaylangan ng practice sa simula kung gagamitin mo ang objection handling na ito. Pero yun lang naman talaga ang paraan para mahasa ka, by watching or by doing.

ANSWER #1:
Kung na-qualify mo ng mabuti yung prospect na kausap mo, ito yung pwede mong isagot sa kanya….
Ikaw: Let’s be honest with each other, nandito ka ngayon at kaya ta’yo nag-uusap ngayon ay dahil may mga goals ka na gusto mong ma-achieve at may problema ka na gusto mong masolusyonan.
Sabi mo (Their why). Ngayon pinakita ko sa’yo yung solusyon na makakatulong sa’yo.
Ngayon tatanungin kita… Ano pa yung kailangan mong pag-isipan?
Or
Ikaw: Let’s be honest with each other, nandito ka ngayon at kaya ta’yo nag-uusap ngayon ay dahil gusto mong may mabago sa buhay mo.
Sabi mo (Their why). Ngayon pinakita ko sa’yo yung solusyon na makakatulong sa’yo.
Ngayon tatanungin kita… Ano pa yung kailangan mong pag-isipan?
ANSWER #2:
Itong objection na ‘to, isa ‘to sa mga objections na madalas gawing palusot ng mga hindi qualified na prospects. Ito yung sinasagot ko sa mga prospects na tingin ko ay nagpapalusot lang…
Prospect: Pag-iisipan ko muna.
Ikaw: Alam mo tama ka. Pag-isipan mu muna nang maige at mabuti ‘to. Kasi ayaw ku din na mag-invest ng oras na turuan ka tapos hindi ka naman pala ganun ka desedido na gawin ‘tong business na ‘to. Ito yung contact ko, bibigyan kita ng ______ (2days/1week) para makapag-isip ng mabuti. Kapag hindi mo ko nakontak within ______ We’ll consider na hindi para sayo ang opportunity na ‘to.
ANSWER #3:
Pero posible din naman na baka may hindi lang naiintindihan yung prospect mo sa presentation mo kaya n’ya sinasabi itong objection na ‘to. Kung sa tingin mo ay ganun ang senaryo Ito naman yung pwede mong isagot…
Prospect: Pag-iisipan ko muna. Ikaw: Meron ka bang hindi naintindihan dun sa business presentation? Prospect: Wala naman. Ok naman. Ikaw: Pwede mo bang sabihin kung ano yung kaylangan mong pag-isipan?
Prospect: Yung tungkol sa __________
(Help your prospect na makagawa ng informed decision by educating them properly about our business opportunity. Yung ibang mga prospects na may ganitong objection ay may mga confusion about your business o kaya naman ay kaylangan lang nila ng additional information para tuluyan silang makapag-desisyon)
Kapag wala silang maisagot, Ito ang pwede mong sabihin:
Ikaw: PROSPECTS FIRST NAME, I want to ask you a direct question, please answer me honestly, Ok ang ba?
Prospect: Ok
Ikaw: Pwede mo bang sabihin sakin kung pag-iisipan mo ba talaga ang pagsali sa business na ‘to. Alam mo. Karamihan kasi ng mga nakakausap namin ay sinasabi lang na pag-iisipan nila pero ang totoo ayaw lang nilan maka-disappoint ng tao. I want you to know na you can tell me honestly.
Prospect: Pag-iisipan ko talaga.
Ikaw: Ok. I will give you a week para mapag-isipan ang opportunity na ‘to. Kung sa tingin mo ay talagang makakatulong sa’yo ang opportunity na ‘to para magkaroon ka ng additional source of income, I’ll be happy to help and guide you.
Kung hindi naman walang problema. Dito sa business na ‘to, hindi naming kaylangan mamilit dahil alam namin na napakaraming Pinoy ang nangangailangan ng ganitong klaseng opportunity. Nandito lang kami para ipakita ang magandang opportunity na ‘to.
Kaylan kita pwedeng kontakin? Next week?
NOTE:
Kaylangan mong malaman kung pag-iisipan ba talaga ng prospect mo ang pagsali. Dahil ikaw din ang mapapagod at mag-aaksaya ng oras kapag yung pina-follow up mo pala ay kunwari lang na pinag-iisipan ang pagkakaroon ng business.
Kaylangan din na malaman mo kung ano yung eksaktong pag-iisipan nila dahil baka meron lang s’yang hindi naintindihan sa opportunity presentation nyo na baka pwede mo naman masagot kaagad.
Ang goal mo ay maibigay sa prospect ang lahat ng information na kaylangan n’ya para sya ay magkaroon ng tamang desisyon kung para sa kanila ba ang opportunity na ino-offer natin.

Prospect: “Wala pa akong pera”
Ikaw: Walang problema kung wala ka pang pera. Ang gusto ‘kong malaman ay kung MERON kang nakitang benefits sa opportunity na ‘to na makakatulong sa’yo para palagi kang MERONG pera? MERON ka bang nakita?
OR
Ikaw: Walang problema kung wala ka pang pera. Ang gusto ‘kong malaman ay kung
MERON kang nakitang benefits sa opportunity na ‘to na makakatulong sa’yo para HINDI ka na ulit mawawalan ng pera at para hindi mo na ulit sasabihin yang salitang “Wala akong Pera”? MERON ka bang nakita?
Prospect: Oo
Ikaw: Ano yung benefits na yun?
Prospect: Yung ano… Tsaka yung ganire.
Ikaw: OK, Kaylan ka magkakaron ng pera?
Prospect: Sa katapusan.
Ikaw: Great welcome in advance. Kokontakin kita sa katapusan para ma-guide kita at pata maituro ko sa’yo kung paano ka makakapagsimula at para maranasan mo na kaagad yung benefits na nakita mo sa opportunity na ‘to at I pa reserve na din kita nang package para di ka maubusan kasi usually sa ganda nang mga benefits natin nagkakaubusan sa office nang mga package

Prospect: Sigurado bang kikita/yayaman ako dyan?
Ikaw: Depende yun sa’yo ito ay business opportunity at hindi business guarantee. Pero alam mo ba kung ano yung sigurado?
Propect: Ano yun?
Ikaw: Kung patuloy mu pading gagawin ang ginagawa mo at kung hindi ka gagawa ng bago, kung ano man ang sitwasyon mo ngayon, 5 years from now malamang ganun padin ang magiging sitwasyon mo.
5 years from now malamang inaasam mo padin na (Their reason why) 
Sigurado bang yayaman ka dito? Depende kung gaano mo ka gusto na magkaroon ng pagbabago sa buhay mo. Tatanungin kita, sigurado ka ba talaga kanina nung sinabi mo na (Their reason why)?
Prospect: Oo
Ikaw: Handa ka na bang gumawa ng bago?
Prospect: Oo
Ikaw: Good. Welcome sa team. Ituturo ko sa’yo kung paano ka makakapag simula…
NOTE:
Ito ay pagiging honest lang sa inyong prospect dahil ang ino-offer mo sa kanya ay isang business Opportunity at hindi isang Guarantee
Again, you’re being honest at pinaunawa mo lang sa kanya na mas malaki ang RISK kung wala siyang gagawin. Kapag wala siyang ginawang bago, hindi din magkakaron ng pagbabago sa buhay niya.
Yung mga tamang tao ay hindi magri-risk na walang gawin. At SILA yung mga tipo ng tao na gusto mong maka-partner sa business natin.

Dalawang klase ng prospect ang nagsasabi ng ganitong klase ng objection. Yung isa ay yung mga wala talagang pera at yung isa naman ay yung mga nagpapalusot lang

70-80% ng mga prospects mo na nagsasabi ng ganitong objection ay mga nagpapalusot lang. Oo, totoo! (Pwera na lang kung ang mga kinakausap mo ay puro pulubi sa kalye.
Yun talaga. Nagsasabi lahat yun ng totoo kasi wala talaga silang pera.)
I don’t really consider this an objection. Bakit?... Subukan mong magpunta sa mga urban na lugar at mga slums area. Makikita mo dun madaming hirap at walang pera. Pero wag ka, wala silang pera pero ang lalaki ng TV n’yan sa bahay. Naka-cable pa. At ang malupit kapag may birthday, ang handaan bonggang-bongga.
Ibig sabihin, kahit anong bagay pa yan “Kapag gusto ay magagawan ng paraan, kapag ayaw, makakaimbento ng dahilan.”
Para ma-handle mo ng tama ang objection na ‘to, kaylangan mo ang alamin kung nagpapalusot lang ba ang prospect mo o nagsasabi ba s’ya talaga ng totoo
Madalas palusot lang itong objection na ‘to. This is an easy way out. Madalas mong matatanggap ang ganitong klase ng objection kung hindi mo kina-qualify at sino-sort out ng maige yung mga prospects na kinakausap mo.
Ang matutulungan mo lang talaga ay yung mga interesado at kung talagang desidido.
Dahil ang realidad at pwede mong sabihin sa prospect mo ang lahat ng paraan para makapag-start sila ng kanilang business at kung paano sila makakapag-raise ng pang-invest. Pero ang tanging mga gagawa lang ng aksyon ay yung mga tao na nakita yung bigger picture ng Network Marketing. Ito yung pwede mong sabihin para malaman mo kung nagsasabi ba sila ng totoo o nagpapalusot lang sila.
Prospect: “Wala akong pera”
Ikaw: Pwede bang magtanong? Ok lang ba sa’yo kung magtatapatan ta’yo sa isa’t-isa.
Prospect: Yes bakit?
Ikaw: “Ibig mo bang sabihin ay interesado ka sa business na ‘to pero wala ka lang pera o sinasabi mo lang na wala kang pera dahil mabait kang tao at ayaw mo kong ma-offend kaya hindi mo kaagad masabi na hindi ka interesado?”
Kapag sinabi nila nalang hindi sila interesado, Ito sabihin mo…
Ikaw: Sabi ko na eh… Hahaha. Ikaw talaga… Walang problema. I understand. Hindi naman kasi talaga para sa lahat ang business na ‘to. Ang hinahanap ko lang ay yung mga interesadong matulungan ng opportunity na ‘to.
OR You can also ask for referral…
May kilala ka bang gustong kumita ng additional ______ pero month na additional income at pwedeng matulungan ng business na ‘to?
Kapag sinabi nilang interesado talaga sila kaso wala lang talaga silang Pera, ang kaylangan mo lang gawin ay turuan sila kung paano mag-isip ng mayaman. How to think like a rich person.
Kaya kasi nila nasabi na wala silang pera dahil meron pa silang poor mindset. Gusto nila yung business pero hindi nila alam kung paano magiging resourceful. Hindi nila alam kung paano makakagawa ng paraan para makapag-raise ng puhunan. Turuan mo sila kung paano mag-isip ng parang mayaman – madiskarte
Ganito yung sasabihin at ipapagawa mo sa kanila.
Answer 1:
Ikaw: Naiintindihan ko yang sitwasyon mo. Nuong una kong nakita ‘tong business na ‘to ganyan din yung sitwasyon ko at ganyan din yung sinabi ko… “Wala akong Pera”
Pero na-realize ko… kung wala akong gagawin na paraan. At kung wala akong gagawing bago wala ding mangyayaring bago. Kung 5 years ago sinasabi ko na yung salitang “Wala akong pera, Malamang 5 years from now ay paulit-ulit ko pading sasabihin yung salitang “Wala akong Pera”.
Kaya ang ginawa ko… Gumawa ako ng paraan. (Tell you prospect

kung anong ginawa mong paraan para makapag-raise ng pang-invest)
Ito yung gusto kong itanong sa’yo… gusto mo bang habang buhay mo na lang sasabihin yung salitang yan?... “Wala akong Pera”
Prospect: “Syempre hindi”
Ikaw: Ano yung 3 bagay na pwede mong gawin para makagawa ka ng paraan at para makapag raise ka ng puhunan?
Answer 2:
Make them feel uncomfortable w/ their situation.
Prospect: Wala akong pera.
Prospect: Oo, totoo.
Ikaw: Totoo bang wala kang pera?
Ikaw: Anong pakiramdam ng walang pera? (Pagkatapos mong magtanong, tumahimik ka at pakinggan mo yung sasabihin n’ya)
Prospect: Hindi OK.
Ikaw: Paanong hindi OK? Pwede mo bang i-explain? (Let them talk, mararamdaman nila yun, di ba)
Ikaw: (PROSPECT NAME), mukhang hindi nga OK yung ganyang sitwasyon at pakiramdam. Pero paano mo magagawang mabago yang sitwasyon mo kung hindi mo babaguhin yung ginagawa mo o kung wala kang gagawing bago?
Kung gusto mo ng mabilisang sagot, ito yung pwede mong sabihin…
Ikaw: Seryso ka ba kanina nung sinabi mo na makakatulong itong opportunity na ‘to sayo para (Their Reason Why)?
Prospect: Oo, seryoso ako.
Ikaw: Kung may maiisip kang 5 magandang paraan para makapag-raise ka ng pang-invest para makapag-start ka sa business na ‘to at para (Their Reason Why), Anu-ano yung mga paraan na yun?
Be honest… the answer is: “Hindi ko alam”
Prospect: Magkano ba kikitain ko dyan?
Prospect: Syempre naman. Oo
Ikaw: Gusto mu ba ng honest na sagot?
Ikaw: Hindi ko alam. Hindi ko alam kung magkano ang kikitain mo dito o kung kikita ka ba dito, gusto mo bang malaman kung bakit hindi ko alam?
Prospect: Sige bakit?
Ikaw: Hindi ko kasi alam kung anong gagawin mo kapag sumali ka sa business na ‘to,
Dito kasi, pag wala kang effort na ginawa, wala ka ding kita. Pag konti lang ang ginawa mong effort, konti lang din ang kita mo. Pag MALAKI ang effort na ginawa mo, MALAKI din ang kikitain. I want to remind you na ito ay isang business opportunity, at hindi business guarantee. Depende sa ‘yo at sa effort mo ang kikitain mo. Ngayun tatanungin kita, anong gusto mong kitain? Wala, Maliit, o MALAKI?
Prospect: Mas gusto ko yung malaki.
Ikaw: That’s Good. Kaylan mo gustong simulan ang pag e-effort?
NOTE:
Dapat lang na sa umpisa pa lang ay malaman nang prospect ang totoo, na ang kikitain n’ya o ang magiging resulta n’ya ay depende sa gagawin nyang effort sa business natin.
Let them know na as their Sponsor, tuturuan at iga-guide mo sila but ultimately, sila ang magde-determine ng results nila
May risk kahit anong business. What you’re offering isn’t a guarantee, It’s an opportunity. If they’re looking for a “sure thing”, then tell them na hindi pa sila handa para maging entrepreneur. All businesses have risk attached.

Dyan po nagtatapos ang ating Training tungkol sa pag handle nang objection! Ma-Master nyu lang po sya pag nakipag usap kayu or nakipag chat at ina-apply
grin emoticon
God Bless To All!! Happy Learnings!

No comments:

Post a Comment