CONVERSATION

OPENING A CONVERSATION

May 2 kinds on how to start a Conversation with your prospect.
1. You added him/her.
2. He/She added you.

Sa taong IKAW ang NAG-ADD ito una  mong sasabihin.
kung ikaw ang nag-add sa kanya at after nya i-accept ng friend request mo, ito ang paraan kung paano mo sisimulan ang usapan nyo.

IKAW: Hello Juan Dela Cruz thank you pala sa pag accept ng friend request. kamusta ka?

Ang Challenge dito, madalas kapag ikaw ang nag-add lagi sila nagtatanong kung bakit natin sila inadd.

tuloy natin yung isapan.

IKAW: Hello Juan Dela Cruz thank you pala sa pag accept ng friend request. kamusta ka?
PROSPECT: Hello po. welcome. Bakit mo pala ako inadd? Magkakilala po ba tayo / Kakilala nyo po ba ako?

May dalawang way naginagamit na pwede mo rin gawin.

1. IKAW: Hello (Name of prospect) hindi po eh. Ako po ba ang nag-add sa inyo? Baka po kasi na mali lang ako ng na click.

Ang madalas isasagot nyan sayo ito.
PROSPECT: Oo ikaw. ah Ganun ba baka nga.

Tapos pwede mong ibanat ito.
IKAW: hehe! Oo, pero pwede mo naman akong i-unfriend.

Ang isasagot nyan.
PROSPECT: Hindi ok na. Kahit wag na. Ok lang naman sakin.

Alam mo ba kung bakit ganyan ang sagot ng karamihan ng prospect mo?
Dahil tamad na silang mag kutingting pa ng facebook nila para mag unfriend. hehe
kaya ok lang din na sabihin mo na i-unfriend ka nila at para din hindi masyadong mahalata na pinoprospect mo na pala sya. 

Ito naman ang kabuohan ng usapan nyo.


IKAW: Hello Juan Dela Cruz thank you pala sa pag accept ng friend request. kamusta ka?
PROSPECT: Hello po. welcome. Bakit mo pala ako inadd? Magkakilala po ba tayo / Kakilala nyo po ba ako?
IKAW: Hello (Name of prospect) hindi po eh. Ako po ba ang nag-add sa inyo? Baka po kasi na mali lang ako ng na click.
PROSPECT: Oo ikaw. ah Ganun ba baka nga.
IKAW: hehe! Oo, pero pwede mo naman akong i-unfriend.
PROSPECT: Hindi ok na. Kahit wag na. Ok lang naman sakin.

2. IKAW: Hello (name of prospect) taga Laguna po ba kayo kasi paranag familiar po kayo saken, kaya ko kayo inadd.

Note: Ang Location na ibibigay o sample mo ay dapat yung lugar na marami kang alam. Para may mapagkekwentuhan kayo.
sa message mong ito ang isasagot nya ay pwedeng pumuntan sya sa lugar na sinabi mo, taga dun sya o kaibigan nya kaya sya nakarating dun o maaari naman na taga dun ang magulang at mga kamag anak nya.

Ito naman ang kabuohan ng usapan nyo.


IKAW: Hello Juan Dela Cruz thank you pala sa pag accept ng friend request. kamusta ka?
PROSPECT: Hello po. welcome. Bakit mo pala ako inadd? Magkakilala po ba tayo / Kakilala nyo po ba ako?
IKAW: Hello (name of prospect) taga Laguna po ba kayo kasi paranag familiar po kayo saken, kaya ko kayo inadd.

Hindi na masyadong mahalaga yung place, ang mahalaga ay nakalusot ka sa tanong nya kung bakit mo sya inadd. hehe. 
Jan mo na sya simulang kwentuhin. Wag agad banat ng business o mag join sa business. Kunin mo muna nag kanyang loob, napara bang kinakaibigan mo sya at gamitan mo ng FORM. (FAMILY, OCCUPATION, RECREATION and MESSAGE).
_________________________________________________________________________

Sa taong SYA ang NAG-ADD SAYO ito una mong sasabihin.
kung sya ang nag-add sayo at after nya i-accept ng friend request mo, ito ang paraan kung paano mo sisimulan ang usapan nyo.

IKAW: Hello Juan Dela Cruz thank pala sa pag-add mo saken. Kamusta ka bakit mo pala ako inadd? Kilala mo ba ako?

Note: Wag mong kakalimutang kamustahin dahil isang paraan din yun para mag  dirediretsyo ang usapan nyo. and sa part na ito, madali ka na makakapag FORM dahil sya na mismo ang nag-add sayo at hindi ka na gagamit ng sangkatutak na palusot para lang mag tuloy tuloy ang usapan nyo. hehe!


Huwag gamitin itong 3 WORDS na ito dahil magkakaroon ng takot ang iyong prospect kausapin ka pagnarinig nila ito.

1. PRESYO = Pag sinabi mo "Ang PRESYO nito" and iisipin nila agad ay ang mahal nang ino-offer mo. 
"Juan ang PRESYO nitong C24/7 ay Php1200"
Ang nasa isip nang prospect mo "Ay ang mahal naman nyan". 
Instead ang gamitin mong word ay "TOTAL INVESTMENT" o "TOTAL AMOUNT"

Example:
Juan ang "TOTAL AMOUNT" para gumanda ang kalusugan mo at mawala ang sakit mo ay Php 1200 lang.

2. BILI/BUMILI = Pag sinabi mo kasing BUMILI. Yun yung ayaw nila, kasi habol lang nila ay tingnan yung producto. 
Pag sinabi mong BUMILI o BILI. nataas ang kanilang resistance na bumili sayo instead and sabihin mo ay KUHA o KUMUHA
Ang Tao ay likas na mahilig KUMUHA pero ayaw BUMILI.
Mas masarap pakinggan yung "Mare kuha ka na nitong C24/7" kesa "Mare bumili ka nitong C24/7."

3. BENTA/BENTAHAN = Pag sinabi mo kasing "BEBENTAHAN kita" yun yung pinaka ayaw nila. Kahit ikaw naman pagsinabihan nang ganyan di ka rin papayag instead sabihin mo "Tulungan kita KUMUHA". 
tingnan mo ang pagkakaiba kapag pinakinggan mo ang phrases na ito.

"Friend madami na kaming natulungan ng mag ka-scholarship progra, dahil sa BINEBENTA naming Global Package".

instead na sabihin mo ito. ito ang ipalit mo dahil mas magandang pakinggan.

"Friend madami na kaming mag kapwa OFW na natulungan KUMUHA nang scholarship program sa tulong nang opportunity natin na kasama nung Global Package."

Last: Always put a smiley sa huli nang message mo para malaman nila na nakangiti ka sa mga sinasabi mo at magaan ang datIng mas maganda mabasa o makita.
Dahil mag stand out ka sa lahat nang ka-chat nila. Mararamdaman nila na magaan kang kausap kesa sa iba nilang ka-chat. :D

Dito na po nag tatapos ang ating training tungkol sa OPENING A CONVERSATION!

No comments:

Post a Comment