ABC RULE

THE POWER OF ABC RULE


ABC Rule
"Rule" ibig sabihin isa syang batas ng networker na dapat talaga nagagawa o sundin.
- Connection with people and sign of teamwork.
- Ang unang unang skills na dapat matutunan ng bagong member na onliners at offliners.
- Ito ay para sa mag bagong member na hindi pa marunong magpaliwanag ng tungkol sa ating business.
- Pag ang profile ay mataas sayo o hindi mo ka-match.
- Kapag masyado kayong Close sa isa't isa (Kapatid, Magulang, bestfriend, etc.) or tinatawag na "Too much familiarity".

Kapag marunong ka mag ABC Rules sa offline o personal, mas madali mo itong magagawa sa online.
Kaya importante na flexible ka sa paggamit na ABC Rule when it comes to offline at online.


"No man is a prophet in his own land" 
Mas maganda na may nalalaman pa ang prospect mo na ibang tips mula sa iba.
Wag mong pauuwiin si Client hanggat di na e-ABC Rule (Offline).
Hanngat maaari kapag tapos na ang OBP ay i-follow up mo na at ipa-ABC kahit atleast 5 minutes.
Pakausap ka atleast 2 Advisor. (Advisable:3 Earner, 2 ka level o ka match ng iyong client sa offline).
Tee-up
Ibi-build up ni Brigde (Ikaw) si Advisor (Upline/Crossline) kay Client (Invite/Prospect)

Matching o ka-Level
Ito yung Advisor na kapareho ng trabaho o status ng iyong client

Halimbawa:
Kung parehas empleyado, parehas housewife, pareho ng trabaho, parehas ng company, parehong estudyante, parehas babae/lalake, parehas ng lugar, parehas OFW, etc.

Hahanap kayo ng something in common ni Client at Upline para magka connect sila.
Baka mamaya ipakausap nyo yung grade 4 ang natapos na hindi pa kalakihan ang income sa prospect mo na attorney.
Tiklop na agad. hehe..
Online 
yung ginagawa natin thru social networking like facebook, messenger, youtube, wechat, skype, viber, yahoomail, etc.
Ang pagpepresent ng one on one sa prospect mo.
Offline
Or personal approach sa tao,like tatawagan mo at makikipag meet ka sa kanya ng personal, para ipaliwanag ang negosyo. Attend ng mga opportunity Plan Presentation (OPP), at iba pang trainings at events.
A-DVISOR o Tagapayo (Advise)
Ito si uplines, Crossline, Successline/downlines, Top earner, earners, office, clearbook, VCD, Brochure, Managament, 4folds, Manual, youtube video, AIM Global website and AIMcademy site.

Bilang Advisor dapat:
- Alam alam ka na script na pwede ibagsak sa ibat' ibang status ng prospect mo.
- Alam mo ang tungkol sa pasikot sikot sa iyong negosyo.
- Alam mo sagutin ang ibibigay na objection ng Client 
- KISS (Keep it short and simple) 5 to 10 minutes lang.

B-RIDGE
You o Ikaw
- yung nagdala ng invites o prospect.
- Sayo nakasalalay ang magiging usapan ni "A" at "C".
- 90% ang effort na manggagaling sayo at 10% lang sa "A".

C-LIENT
Customers, Invites, Prospect, Downlines
Downlines kung ipapakausap mo a earner o ibang crosslines.



Wrong Way
a b c 
- Maliit parehas si Advisor at Client
- Simple lang ang pag iintroduce, walang tee-up

Ikaw: "Upline ito nga pala si Attorney Chu."
Ikaw: "Attorney ito si Upline Raki" makinig tayo sa kanya.

Kapag hindi mo na build up o na T-up si upline sa prospect mo hindi yan makikinig ng maayos sa Advisor.
(Same with online and offline application)
_________________________________________________________________________
a b C
- mas malaki si C (Client) Kesa kay a (advisor).
- mas na tee-up mo si client kay upline.

Ikaw: "Upline ito nga pala si Attorney Chu, may 2 bahay na sya na worth 5 Milliona isa, May 6 na sasakyan at magkakaroon pa sya ng yacht ngayong taon. Ang lupit noh."
Ikaw: "Attorney Chu ito naman si Upline Raki, kumikita ng 6 figures per month, may 2 na sasakyan at magkakabahay pa lang, makinig tayo sa kanya para mabigyan tayo ng tips kung paano ginagawa ang business."

Common sense sa kahit may resulta si upline, pero kung ang na T-up mo naman ay si Client hinding hindi yan makikinig kay upline
(same with online and offline application).
_________________________________________________________________________
a B c
- Malaki si B (Bridge) kesa kay a(advisor) at c(client).
- Masyado ka nagpasikat kay upline.
- Nag Tee-up ng sarili

Ikaw: "Upline may  invites ako, and galing ko noh? Sabi ko sayo yayaman ka saken eh! Pa share naman ng tips sa kanila."

Wag na wag nyo ito gagawin at sasabihin kay upline sa harapan ng invites nyo dahol hindi na sila makikinig. Ikaw na ang magalingeh. Edi wag ka ng mag pa "A". hehe
and take note, WAG NA WAG nyo itong gagawin sa inyong crosslines.
(same with online and offline approach)



RIGHT WAY

A b c
- Malaki si A(Advisor) kesa kay B(bridge) at c(client).
- ang i-tee-up mo ay si Advisor para makinig si client kahit anong profile pa nya.
- Wag mo lagyan ng label (Doc, Attorney, Engineer,etc)
- Mr. / Mrs. Or Ms. nalang kung talagang gusto nyo ng formal.
- ate, kuya, tito kung close nyo naman o i-close-close nyo.
make them comfortable sa magiging usapan.


Steps:
Pang Online:
1. After mong maka-usap ang prospect about sa business at nagutsuhan nya, habang pina-follow up mo ang prospect mo ay mag private message ka na kay upline kung pwede sya mag "A" sa invites mo.
2. at kung available si upline ay i-Tee-up mo na din sa kanya si Upline / Crossline na ipapakausap mo
3. at kung sakaling hindi naman may pagkakataon ka pa magtanong sa ibang leaders na available para mag T-up. Huwag na huwag mo isasabak si upline ng hindi mo pa na bi-build up.
4. After mo ma Tee-up sa prospect mo si upline ay maari mong i-share sa upline mo ang napag-usapan nyo sa pamamagitan ng pag copy paste ng conversation nyo ni prospects.
5. Bigyan mo para alam nya kung ano ang ibibigay nya na tips.
6. Make sure na magka-match o may commonality (pagkakapareho sila). para mas madali makapasok si upline. pero kung wala ok lang din. basta maganda ang paka build-up o tee-up mo sa kanya.
7. Lagi mong sasabihin sa prospect mo na sya ang mag-add kay upline dahil isiningit mo lang sya para makausap si Upline. Para pumasok sa isip nya na napakabusy at importante ang tao na kakausap sa kanya.
8. Kapag ipapa-add mo si upline ay wag na wag na si upline ang mag-aadd. kasi kung sa offline ay parang si upline ang binitbit mo kay prospect.
9. Hayaan mo na prospect mo ang mag-add friend kay upline. Ibigay mo yung complete link ng facebook ng upline or last option kung di talaga marunong mag search, I-suggest friend mo si upline kay prospect. Para makita mo na rin yung commitment.

Do's
After Makausap ni upline si upline ang prospect mo at willing ng gawin ang business kahit next week, next month or after 3 months ok lang din ang importante nag commit sya ng date. at kapag ganun ang nangyari simula mo na syang i-orient na ipapasok mo sya sa Future Chatbox natin para makilala ng ating mga leaders and soon to be partners.
Yung future Chatbox na yun ay nag se-serve din as follow-up, kaya kahit hindi mo na sya bigyan ng kung anong anong info or activities, ok lang kasi everyday updated yun..
Mag send ka na lang ng pwede nyang panoorin about sa business natin.

Sample Script: (Online and Offline)
Ikaw: "Mr. Chu ito nga pala si Upline Diane, yung sinasabi ko sayo kanina na isa sa mga hinahangaan ko na leader ng grupo, grabe ang lupit nito, kumikita na sya ng 6 figures per week. Imagine nyo babae pa sya, kaya talagang nakaka challenge sa kagaya nating mga kakaju. Nagkaroon na din ng 3 sasakyan na galing lang sa income nya dito sa AIM Global at ang maganda pa nagpapatayo na ng bahay na worth 15 million. Grabe ang lupit!".
Ikaw: "Up diane ito nga pala si Mr. Chu, pa share naman po ng tips kung paano sya magsisimula sa ganitong klaseng business at maging successful din gaya nyo."


STEPS:
Pang-Offline:
1. Ikaw ang lalapit kay upline para itanong kung pwede sya mag "A" (advise) sa invites mo. Kung my number ka ni upline, mas maganda na i-message mo na sya at bigyan ng info about sa prospect mo. para nakaready na rin si upline kung available ito.
2. Kapag pwede si upline ay bigyan mo na sya ng idea tungkol sa prospects mo at saka ka bumalik kay invites at habang malayo palang i-tee-up mo na si Upline.
3. At kung sakaling busy si Upline ay may pagkakataon ka pang humanap ng iba na pwede mag "A" sa prospect mo kay upline yun pala hindi din makakausap ng maayos, sayang lang.
4. Hanggat maaari ay magka match ang upline at prospect mo.
5. Wag si Upline ang bibitbitin mo, kung di Invites ang dadalhin mo palapit kay upline o advisor.
6. Kung sakaling busy si upline nung nagpaalam ka, kahit i-ask mo lang sya na kumaway sa client mo.

Ito yung Script sample na pwede mong sabihin sa prospect mo pag ganun ang situation.
Ikaw: "Grabe noh, kahit super busy at kumikita na malaki ay napaka humble pa din, kung sa iba iba yan baka suplado na yan."

7. I-tour mo sa office, ituro mo yung bawat proseso dun. yung mga products, travel incentives at awards, san nag paprocess ng ID/ATM, kuhanan ng GC,CHECK at marketing Materials.

8. Kung may dala kang clearbook, or brochure pwede mo din ipakilala sa kanya yung mga nasa picture.
9. Kapag nag share na si Upline ito ang mga bagay na dapat mong tandaan.

Do's
1. Makinig ng mabuti at mag observe ka kung paano sila nagbibigay ng advise. kasi isa kang leader at magiging Advisor ka din.
2. Huwag ka naman magno-note o magsusulat sa harapan ng upline at prospect habang nag uusap. (Sincere)
3. Huwag kang titingin sa invites habang kausap si Upline, kundi kay upline ka tumingin.
4. Tumango kapag may nakaka motivate na sinasabi o kahit naririnig mo na ito ng paulit ulit. Parang lagi kang bago kapag nag pinapa "A".
5. Tumawa kung may joke.
6. Kumamay kayo ng client mo kapag tapos na mag "A" si upline.
7. Kapag na close deal nyo na si prospect, make sure na nakapag bigay sya ng date sa harapan ni upline, para 2 kayo na nabigyan ng commitment.
8. Pa fill-upan mo ang forms at bigyan mo ng brochure o VCD then follow up kinabukasan.

Sample Script: (Online and Offline)
Ikaw: "Mr. Chu ito nga pala si upline Diane, yung sinasabi ko sayo kanina na isa sa mga hinahangaan ko na leader sa group, grabe ang lupit nito kasi kumikita sya ng 66 figures per week.
Imaging nyo babae pa sya, kaya talagang nakaka chanllenge sa kagaya nating lalake. Nagkaroon na din ng 3 sasakyan ng galing lang sa income nya dito sa AIM GLOBAL at ang maganda pa nagpapatayo na ng bahay na worth 15 Million, Grabe ang lupit!"
Ikaw: "Up Diane ito nga pala si Mr. Chu, pa-share naman po ng tips kung paano sya magsisimula sa ganitong klaseng business at maging successful din gaya nyo."



Don'ts 
- Iiwanan na si Client kay Upline pagkatapos ipakilala.
- Mainipin sa sinasabi
- Tungin ng tingin sa relo o kung saan,
- Nagtetext o may tinatawagan,
- Sabat ng sabat o ikaw ang sumasagot sa tanong para kay Client,
- kung may nakita ka na top earner o mas malaki ang kita kesa sa upline na ipinakausap mo sa prospect mo, wag mo naman iiwanan si upline at dadalhin mo dun sa earner. Nakakabastos yun at kung nasa seminar kayo, dapat kalapit ka ng invites mo, nakikinig ka din kahit madaming beses mo na napanoon ang speaker, pumalakpak o sumagot ka din kapag may tinanong.
- Hinatak mo si upline habang may kausap pa.
- Hindi alam ang backgroung ng Upline na kukunin na mag "A".

by: Upline / Mentor Raki Ilao

No comments:

Post a Comment